MALALIM KA PAG TUMITIRA KA NG PURPLE CORN JUICE!

Wednesday, October 5, 2011

Hiwaga: Ang Ayaw Maniwala


Kahit anung paliwanag mo, kahit kitang-kita na nilang ang ganda ng produkto, ayaw maniwala. Baka daw pag ininom nila mapano sila. Pero di nila tinatanong kung masama bang uminom ng softdrinks o powdered juice o dilatang pagkain. Basta, titirahin nila ang mga yun. Walang pakundangan.

Basta kakain sila ng instant noodles, lalo't inendorso ng sikat na artista. Pero pag sinabi mong mabisa sa kalusugan at panlaban sa sakit ang isang produkto, ayaw maniwala. Tu-tungo-tungo lang o magagandahan sa product presentation mo, pero di naman bibili. Tapos, ayun!--pupunta sa tindahan at bibili ng mga lason--e di ba mga lason naman talaga yang mga me-kemikal na produktong mga yan!

Sasabihin pa, masyado daw mahal, gaya ng Purple Corn juice. Mas mahal kaya yung ma-dialysis at ma-chemo. Pero wala silang ganung kataas na kamalayan. Pag me sakit na, dun nila ma-re-realize. At kahit ma-realize nila, di naman susubok. Pupunta lang sa duktor at iinumin ang anumang ireseta sa kanila. Karamihan ng nirereseta di naman talaga nakagagaling. Pero kahit ipaliwanag mo ito, ganun pa rin--ayaw maniwala talaga. Ayaw pa rin ng natural na pagkain. Addict sila sa synthetic.

Tapos, makikita mo, nasa ataol na sila. Kung naniwala sana sila, e di me malaking chance na buhay pa sila ngayon. Sabi daw ng mga ibang engot na nagdudunung-dunungan, pag oras mo na, oras mo na. Di daw makukuha sa paginom-inom ito ng mga natural health supplements. Tanong ko, e ba't nagbigay pa ang Diyos ng mga halamang nakagagamot? At sana, tanggalin na natin ang mga ospital, dahil pag oras mo na, oras mo na. Pero hindi, pag tungkol sa ospital, naiintindihan nilang dapat ay subukan nating gumaling pa. Nakikita nilang ang ospital ay bigay ng Diyos para baka sakaling gumaling pa sila. Pero ang mga natural na pagkaing nakagagaling na likha ng Diyos ay di nila ma-imagine na pwedeng magpagaling at dapat lang na subukan, baka sakali.

Magastos daw ang purple corn juice pero sigarilyo ng sigarilyo. Aba, kwentahin mo ang nasisigarilyo at iniinom na alak ng mga yan at makikita mo ang sang damukal na perang inaaksaya nila sa walang kwentang gastos. Yun ang magastos! Tapos, pag me sakit na yang mga yan, mukhang kawawa. Kasi, ayaw maniwala!

Eto pa, isa pang ka-engotan: Pag mag-alok ka ng purple corn juice sa me sakit, pineperahan mo daw ang me sakit. Wala ka daw konsyensya. Pero pag doktor na ubod laki sumingil sa mga mamamatay na sa sakit, OK lang sumingil. Tapos, pag namatay ang pasyente, sisingil pa rin ang mga yan! Ke-lalaki pa rin ng mga sinisingil! Pero OK lang yun sa mga tao. Magbabayad pa rin sila, kahit malaki, at di nila iisiping kina-kwartahan lang sila ng mga duktor. Never. Feeling pa nga nila me utang na loob sila ke dok. Pero ang bentahan mo ng natural food supplement ang me sakit, namemera ka daw. Ayaw maniwala talaga!

Pero eto ang good news: unti-unti nang nababasag sa katotohanan ang marami. Natural food supplements ang sagot sa kalusugan ngayon. Ikaw? Umalis ka na sa tropa ng mga ayaw maniwala at gusto lang ng lason sa katawan. Sumali ka na sa mga mulat ang mga mata sa katotohanan--na nilikha ng Diyos ang katawan ng tao para tumanggap lang ng natural na pagkain, at ito rin ang kagalingan ng katawan natin, hindi synthetic. Halika! Mag negosyo tayo ng Purple Corn juice! Click mo lang yung picture ng purple corn juice dyan sa sidebar para malaman mo kung paano.

Sa halagang P1,800 lang, distributor ka na. O kaya, bumili ka lang kung di mo type mag-negosyo. Napaka inam mag invest sa kalusugan.

No comments:

Post a Comment