MALALIM KA PAG TUMITIRA KA NG PURPLE CORN JUICE!

Thursday, November 3, 2011

Proverbs 1: Pang-Kanto Version


[1] Mga bigating pinag-sasabi ni Solomon, anak ng haring si David ng Israel: [2] kung trip mong maging super scholar ni God, yung tipong disiplinado na e malaliman pa; [3] yung tipong straight ka talaga, patas, tama, at OK ke God; [4] yun bang dati engot ka pero ngayon matalino na--yun bang di ka na asal bata o immature--[5] eto...at kahit ang madunong kuno, dapat makinig lang, at yung mga nakaka-alam na matuto pa rin at ma-guide--[6] para maka-intindi sila ng malaliman, mga salita ng malalalim ke God, mga kasabihan at talinghaga at mga ganun...

[7] Ang umpisa ng may-say ka na talaga sa mga bagay-bagay ay pag me tunay na takot ka ke God, pero ang mga engot ayaw nito. [8] Halimbawa, makinig ka sa erpats mo at wag baliwalain si ermats (sa iba jahe ang ganito). [9] Ang mga aral nila ay tipong the best shampoo sa buhok at mamahaling kwintas sa leeg (pagagandahin ka tol).

[10] Ngayon naman, nak, pag-niyaya ka ng mga pasaway, wag ka sasama. [11] Sabihin man nilang, "Hoy! Sali ka samin (gang o frat)! Mangursunada tayo, [12] libing natin ng buhay, [13] tapos nakawan natin! [14] Sali ka, kikita tayo dito!" [15] Wag ka sasali! Ni wag kang sasabay sa kanila. [16] Mga addict sa masama ang mga yan, mga takaw-away.

[17] Basta ka na lang ba makakahuli ng ibon? Hindi ganun lang yun![18] Itong mga astig na 'to, papatayin lang ang mga sarili--nagpapakamatay lang. [19] Lahat ng sugapa ganyan magtatapos--buhay ang kapalit.

[20] Madali lang naman maka-unawa ng malalim ke God--makukuha mo nga yan kahit palaboy ka lang sa kalye, sa tambayan, [21] kahit sa maiingay na lansangan, dahil ang lakas ng boses nyan--naninigaw pa--kahit nga nasa siyudad ka pa. Sinisigaw niyan (ang wisdom ni God): [22] "Hoy, mga engot! Hanggang kelan kayo magpapaka-engot? Yung mga pilosopo! Hanggang kelan nyo ako pagti-tripan? Yung mga hate matuto! Hanggang kelan nyo ayaw matuto?

[23] "Kung nakinig lang kayo, binuhos ko sana lahat-lahat sa inyo at inex-plika ang lahat! [24] Pero mas magagaling kasi kayo, [25] at mas matatalino kesa sakin, [26] pagti-tripan ko rin kayo pag nagka-loko-loko na ang buhay nyo, pagtatawanan ko pa kayo pag nasira na ang mga plano nyo sa buhay." [27] Alam nyo, parang bagyong sisirain ng kalokohan ninyo ang mga ambisyon ninyo, parang buhawi pa yan--wawasakin ka!


[28] "At tapos, magsisimba na sila ulit? Hah! E-isnabin ko sila! Hahanapin nila ako pero magkukulong ako. [29] Kasalanan nila yun...kasi hate nila ang sinasabi ko at winala lang nila ang tungkol ke God, [30] kasi inisnab nila ang advice ko at mga warning ko, [31] kakainin nila lahat ng pinag-gagagawa nila at malulunod sila sa sarili nilang kapalpakan.

[32] Papatayin ng ka-engotan ang mga engot, at di lang yan, wawasakin pa sila. [33] Pero ang mga nakikinig sa akin ay mabubuhay ng tahimik at ligtas, walang takot.

Malaliman....deeply....

No comments:

Post a Comment