MALALIM KA PAG TUMITIRA KA NG PURPLE CORN JUICE!

Tuesday, June 8, 2010

Jejemons Daw Sila

Malaliman lang. Jejemons daw sila--yun bang mali-mali mag spell ng salita. Madalas silang kinagigiliwan ng ibang kabataan at da-matans na rin. Kakaiba daw kasi. Pag jejemon ka, kelangan para ka ding lasing magsalita. E, kasi nga, jejemons daw sila.

Walang kwela sa pagiging jejemon--ang totoo, sabi ng iba, excuse lang yan ng mga di madunong mag-spell at wrong grammar pag nag-English. Ang say ko lang sa nag-imbento ng jejemon--me imagination ka din, dre! Biro mo, nagawa mong uso ang pagiging mahina mo sa spelling! Bwahahaha! Kung ang iba kinahihiya ang kapurulan nila, ikaw ginawa mo pang uso!

Yung iba naman, di-nagiisip, sige lang ang gaya--kasi uso e. Kapurulan ang sanhi ng jejemon, kapurulang grabe ang kahihinatnan niyan. Di lang yan uso--pagsasanay yan para magka-liko-liko ang dila at utak mo. Ang paggamit kasi ng dila ay nakaka-apekto sa talas o purol ng utak. Pag sinanay mong tama ang pananalita, magiging matalas ang talino mo. Mas lalawak kasi ang pagiisip mo. Kaso, pag nahililg ka sa pagiging jejemon, sanhi yan ng intellectual immaturity. Take it from Malaliman!
The American Street Gang: Its Nature, Prevalence, and Control

Jejemons daw sila. O sige--kung sa bagay, karapatan nila yun. Demokrasya kasi tayo e. Kaya minsan ang demokrasya pang jejemon din e. Kaya tuloy maraming jejemon naluluk-luk sa kongreso--naka-disguise nga lang at ayaw pahalata. Pero wag ka, bibigay ka rin, mangangawit ka rin, dre. Mahahalata din jung jinu-jino (sinu-sino) ang mga jejemon.

Jejemons daw sila. Bahala kayo. Basta ako, natatawa na lang ako sa inyo---jejeje!


Malaliman. Deeply

Ipakalat mo ang prinsipyo mo!
Mag-lathala sa sarili mong website!
Narito ang detalye--paki pindot dito!

No comments:

Post a Comment