MALALIM KA PAG TUMITIRA KA NG PURPLE CORN JUICE!

Saturday, April 10, 2010

Mga Kasabihan ng Matatanda

Sabi ng lolo, me toyo ang utak ko...
Ke daming mga kasabihan ng matatanda--kesyo ganito at ganyan. Pero maniwala ka, me mga laman ang ilan dun. Pero ang ilan din naman, walang kwenta--puro kababalaghan lang. Gaya ng bawal daw mag-walis pag gabi na, at mawawala ang swerte. Sa unang banda, ano ba ang swerte? Yun ay bagay na gusto mo na di mo tiyak kung mapapa-saiyo. E kung ganun lang, di bale, na. Walisin na lang natin. Kasi ang gusto ko, yung sigurado.
Ang Pitong Tanga (The Seven Idiots) (Ang Mga Kuwento ni Lola Basyang ni Severino Reyes)

Kapag me patay daw, bawal maglinis ng bahay. Aba, pag napuno ang bahay mo ng mikrobio at virus--dahil isang linggo o 10 araw ang lamay, biruin mong di ka maglilinis ng 10 araw--tiyak sakit ang abot mo. Hahatsing kayo ng hahatsing. Biruin mo rin ang dami ng taong dadalaw sa patay--ang daming virus na dala ang mga yon! Kaya maglinis ka na lang. Wag mong masyadong intindihin ang ganitong mga kasabihan ng matatanda. 

Kasi, sa palagay mo ba ganun ka-kitid ang utak ng Diyos? Na kapag nagwalis ka ng gabi, magagalit siya agad? O, pag naglinis ka ng bahay pag me patay, magagalit din siya? Intindihin mo ang isip ng Diyos, wag ang ibang mga kasabihan ng matatanda. Kung tayo ke kikitid ng utak, ibahin mo ang Diyos. Pag sinabi sayo na bawal tumawa o mag-saya pag Biyernes Santo dahil "patay ang Diyos," baligtarin mo. Mag-saya ka! Bakit? Kasi ang pagkamatay ni Kristo sa krus ang tagumpay ng Diyos! Dun kasi naliligtas ang tao--sa pagkamatay ni Hesus! Hindi sa pagka-lungkot natin pag Biyernes Santo. 

Kapag sinabi naman sayong galangin mo ang naka-tatanda, aba, gawin mo. Tunay yan. Ang ganitong mga kasabihan ng matatanda ay nakapag-huhubog ng kagandahang asal. Pwede tayong gumalang sa nakatatanda nang gumagamit din ng utak natin tungkol sa ibang mga kasabihan ng matatanda na taliwas sa katotohanan. Ang pag-galang at pag-gamit ng utak ay posible. Pwede! Pwede!


Kapag sinabi ding wag magsisinungaling, gawin natin. Yan ang halimbawa ng mga okey na mga kasabihan ng matatanda. Huwag ding magnanakaw at huwag  mandaraya! Talosin natin ang katotohanan sa likod ng mga kasabihan ng matatanda--kasi minsan bunga lang ang mga yan ng pambobola ng mga nanakop sa atin. Gaya ng mga kastila at merkano. Hinalo nila sa mga kasabihan ng matatanda ang mga pamimilog nila ng utak natin. 
In Our Image: America's Empire in the Philippines





Kung ano daw ang puno siya din ang bunga. Teka, teka...kumporme! Di porke't masama ang tatay, masama na rin ang anak, automatic. Di ganun yon, no! Sa puno, ayoon sa Siyensya, okey yun. Pero di sa tao. Sa tao, ang tamang kahulugan nito ay ganito: pag nasa kasalanan ka, di ka pwedeng magbunga ng tama. Mag-sisi ka muna at magbago, para maging mabuti kang puno. O di ba? Kaya ang mga kasabihan ng matatanda ay dapat nasa tamang konteksto rin.

1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete