MALALIM KA PAG TUMITIRA KA NG PURPLE CORN JUICE!

Friday, July 13, 2012

Purple Corn: Kasaysayan at Kalikasan

Pinagmulan

Ayon sa tradisyon, ang purple corn ay unang tinanim ng mga Incans sa Machu Picchu sa Peru noong ika-15 siglo. And mga lahing Inca ay isa sa mga pinaka-una at nangungunang sibilisasyon noon at may angking galing sa makabagong teknolohiya noong mga panahong iyon.

Ang Machu Picchu mismo ay tumatayo sa taas na 7, 970 talampakan mula sa lebel ng dagat at ang mga pananim ng purple corn ay umaabot mula 10,000 hanggang 15,000 talampakan mula sa lebel ng dagat.

Tinaguriang “Royal Grain” o pang maharlikang butil ang purple corn dahil sa taglay nitong mga kakaibang nutrisyon. Pansin nilang ang mga kumakain nito ay lumalakas at lumulusog ng di pangkarinawan. Ang mga 60-anyos ay nakakaranas ng kasiglahan ng kabataan at ang mga kababaihan ay nanganganak pa sa idad na 80 pataas. Ang mga tao noon sa bulubunduking Andes ng Cusco o Peru ay karaniwang nabubuhay ng higit sa 100 taon.


May mga ilang nagsasabi ring ang lakas ng purple corn bilang isang super food ay kilala na noon sa matataas na lupain ng Peru bago pa sumibol ang sibilisasyon ng mga Inca. Natatanim ito at napapalaki sa organikong paraan, walang kemikal, kaya mas tumindi ang bagsik ng nutrisyon nito. Ito’y naging karaniwang pagkain ng mga Peruvian kaya di sila sakitin at di basta-bastang dinadapuan ng sakit. Hanggang dumating ang panahon at nabago ang ihip ng hangin.

Dahil nga sa kakaibang dulot na kalusugan nito, minabuti ng pamahaaan ng Inca na ipagbawal ito sa mga “commoners” o mga pangkarinawang tao, at ang hari o sapa at ang kanyang pamilya lamang ang pinahintulutang kumain nito.

Dahil dito, bahagyang dumalang sa sirkulasyon ng karaniwang pangangalakal ang purple corn, at nung mga taong 1546 hanggang 1618, ayon sa ibang salaysay ng kasaysayan, tuluyan na itong nabaon sa limot. At sa mga taon ding yaon, nang naglitawan ang mga mananakop galing Europa dala ang kanilang mga sakit (smallpox, typhus, influenza, diphtheria, at measles), at dahil sa mga digmaang sumunod, naubos ang lahing Inca sa Peru. Mabilis nahawa ang mga Incans sa mga sakit dahil sa mahinang resistansya at kawalan ng purple corn, at sa tulong ng mga digmaan, tuluyan na silang nabura.

Subalit, naiwan ang mga ligaw na tumubong mga purple corn sa bulubundukin ng Andes. At may ilang mga tira-tirang butil na rin sa mga bahagi ng Machu Picchu mismo. At di kalaunan, nadiskubre ito ng mga archeologists na nagkakalap ng mga artifacts at ipinasa sa mga nutrition scientists na siya namang namangha sa nilalamang nutrisyon at anitoxidant ng purple corn sa kanilang mga clinical tests. At ang magandang balitang ito ay kumalat sa Amerika at sa Canada.

Ano ang Taglay na Lakas ng Purple Corn?

Ang lakas ng purple corn bilang nakapag-papalakas at nagpapagaling na pagkain ay nasa bilang ng antioxidants nito. Ang antioxidant ay isang molecule na lumalaban sa pangangalawang ng mga cells ng katawan at ng mga sistema ng katawan gaya ng immune system.

Ang sakit ay may dalawang basikong kadahilanan:

§    Pagtanda. Sadyang humihina ang katawan at bumabagsak (o nangangalawang kung baga) sa katandaan. Ito’y nagsisimula sa idad 25.

§    Kakulangan ng sapat na lakas ng immune system. Kapag pangit ang ating cells sa katawan dahil sa kakulangan ng sapat na nutrisyon, hindi makakalaban ang immune system sa mga sakit.

Ang antioxidant ng purple corn ay:
  • 1.      Mabagsik na lumalaban sa katandaan para bumagal ito.
  • 2.   Nagpapalakas ng immune system sa pamamagitan ng pagpapalakas at pangangalaga ng mga body cells.
Naghahati-hati ang cells para dumami. Kapag mahina ang isang cell, mas mahina ang pakakalating cells nito. Kapag malusog ang cell, mas lalong malulusog na cells ang pakakalatin nito. Makakatulong ng malaki ang paginom ng purple corn sa pagpapalakas ng ating body cells.

Anthocyanin

Ang partikular na antioxidant na nagpapatindi sa lakas ng purple corn ay tinatawag na anthocyanin o cyanidin 3 glucoside o C3G. Ayon sa mga dalubhasa, ang C3G ang siyang mabagsik na antioxidant na may taglay na kontra-diabetes, kontra-pamamaga, kontra-obesity, kontra-cancer, at kontra-sakit sa puso, bukod sa iba pang mga benepisyo.

Iba Pang Mga Anti-Oxidant

Bukod sa anthocyanin, meron ding ibang antioxidants ang purple corn, gaya ng flavonoids, phenolics, carotenoids, lutein, at sulfurorafanes, bukod sa iba pa. Ito’y pawang mga kontra-cancer, kontra-sakit sa puso, kontra-pananaba, at kontra-pamamaga. At ang flavonoids naman ay kontra-virus at kontra-bacteria rin.

Ang purple corn ay may matinding Bitamina C at E rin na pawang mga antioxidants rin at 3 beses ang bisa kesa sa dinudulot ng mga ibang prutas na mayaman din sa mga gayong Bitamina.

Mga Ilang Delikadong Sakit na Napapagaling ng Purple Corn

Diabetes: Ang C3G ay mabisa sa paglunas nito. Naiiwasan din ang pagtaba sa purple corn, at ang pagtaba ay ilan sa mga karaniwang sanhi ng diabetes.

Pananaba: Nakaka-sunog ng taba o di kaya’y nakaka hugas ng taba ang purple corn dahi sa anthocyanin at fibers nito.

Cancer: Ang mga dulot na antioxidant ng purple corn ay mabisang kontra-cancer at nakakapagpigil o tunaw ng mga tumor. Napipigilan din ang mapanirang oxidation na dulot ng free radicals at carcinogens.

Altapresyon: Tinatanggal ng purple corn ang mga barang taba sa mga ugat na dinadaluyan ng dugo.

Sakit sa Puso: Tumutunaw ng kolesterol sa dugo na kumakapit at namumuo sa arterial walls ang purple corn.

Pagtanda: Bumabagal ang pagtanda at nababawasan ang mga negatibong epekto nito. Napapa-talas din ang pagiisip at memorya dulot ng anthocyanin at lutein. Dahil dito, pwede rin itong knotra-dementia.

Pamamaga: Ang mga sakit dahil sa pamamamaga—arthritis, gout, tonsilitis, pharyngitis, meningitis, sinusitis, colon cancer at iba pang cancer—ay napipigilan ng purple corn.


Kung nais uminom o magnegosyo ng purple corn juice sa Pilipinas, mangyari pong mag-email dito: trenzpurplenetworx@gmail.com.

1 comment:

  1. permission to post to video uploader:
    ++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

    Hi there! you can buy Purple Corn Juice here in Philippines..

    Call or text me: Ronald Padol / +63915-283-8840

    ReplyDelete