MALALIM KA PAG TUMITIRA KA NG PURPLE CORN JUICE!

Tuesday, March 1, 2011

Anong Me Narating?

Nakarating Saan? 

If You Believe it ! You WILL Achieve it !Pag ang tao naging successful na--ang tinatawag nilang "successful" ay yung mga me pera na at ari-arian--meron na daw narating. Anong me narating? Nakarating saan? Ba't ba pag me pera lang, akala nila me narating na?

Gaya ng nakapag-abroad, o naka-tira sa US. Ito daw ang mga me narating na sa buhay. Ows? Bakit, dahil dollars ang kita? Dahil States side? Oh, come on! Ganun ba talaga ang buhay? Ganun ba ang ginawang pamantayan ng Lumikha, ng Diyos? Di yata. Nung huling nakita ko sa bible, hindi ganun e.

Bakit? Ang magta-taho me narating din ah! Ang layo yata ng nilalakad niya araw-araw! Pati ang magbo-bote! Wala ba silang narating?

Ang kaisipang "Me narating" ay madalas bunga ng hindi nagiisip na kamalayan na bihag ng maka-perang sistema ng panimbang. Yung timbangan nila nakaka-kilala lang ng pera. Pag wala kang pera, wala ka daw narating sa buhay. Ka-engotan!

Success Through A Positive Mental Attitude
E di si Kristo wala ring narating nung nabubuhay pang tao sa lupa? Ibig nilang sabihin, walang katuturan ang buhay ni Hesus dito? Di ba nga, sa mata ng Ama, si Hesus ang pinaka-successful na tao sa buong kasaysayan? E di naman siya naging ma-kwarta!

Madalas nga, pati simbahan ay naka base rin sa maka-perang panimbang sa tao. Ilang beses ko nang nakita kung paano nila kinikilala ang mga me pera, kung paanong me special treatment ang mga matataas na tao (hindi height, ha). Ang binoboto nila sa posisyon ay yung me kwarta. Ba't di nila makita ang batayan ni Kristo? "Makikilala mo sila sa kanilang bunga."

Sa panahon natin, kesyo ubod ka ng bait at namumuhay ng tama, di ka aakalaing me narating na. Kulelat ka lang sa kanila. Kung ikaw ay parati lang sa Pilipinas na hindi kumikita ng dollars, at dumating ang mga taga-US o England o Hongkong o anu pa man yan, at nag kaumpukan kayo, ang mga nag-abroad at kumikita ng dollars ang parating huwaran ng tagumpay. Kayong mga taga-Pinas at maliit ang kita (peso pa) ang taga-pakinig nila, taga-Amen.
Sinong me narating? Alam nyo, ang dami kong kilalang mayayaman, ma-pera, pero wasak-wasak ang pamilya at buhay, ngunit tinitingala pa ring "me narating na sa buhay." Kahit sa simbahan. At ang dami ko ring kilalang maliit lang ang kita (peso pa), pero namumuhay ng tuwid sa Panginoon Diyos, pero minamaliit at itsi-pwera. 

Sa bagay, ayon sa Guro, ganyan talaga ang kalakaran sa mundo, pati sa simbahang maka-mundo. 
Balance Your Life Now With Family and Work 
Pero teka, kung ikaw ay taga Pinas lang, maliit ang kita (peso pa) at namumuhay pa sa kasalanan....kawawa ka. Di ko alam kung saan ka pupulutin. Malamang, ikaw ang hanga ng hanga sa mga "me narating na sa buhay" nila.

No comments:

Post a Comment