MALALIM KA PAG TUMITIRA KA NG PURPLE CORN JUICE!

Tuesday, April 20, 2010

Di Pa Sana Siya Namatay

Kelan lang, parang ang daming namamatay o nalaman kong namatay na pala. Nakakalungkot nga e. Dati mong kasama, nabalitaan mo na lang, namantay na. Tapos, 'pag tinanong mo kung ano kinamatay, yung tipong kayang-kaya namang iwasan. "Di pa sana siya namatay."

Tapos, maiisip mo--saan napupunta ang mga namamatay? Minsan, pagkatapos ng gabihan, nag-kwentuhan kami, tanungan, habang nakapalibot samin ang dilim. Saan napupunta ang mga namamatay? ika ng isa. Dalawa lang yan e--sa impyerno or langit. Sabi naman nung isa, isa lang yan--sa sementeryo. Giit naman nung nagbibida-bidahan, nandito lang daw muna yang kaluluwa ng namamatay. Mga ilang minuto munang dumadalaw yan, tapos, at saka pupunta sa impyerno o langit. 

Sabi ko naman (siyempre bida din ako), una sa lahat, dinadala sa morge ng ospital yan. E, pano kung sa bahay namatay. Saan napupunta ang mga namamatay? Aba, kelangang i-deklara ng isang doktor kung ano ang kinamatay n'yan at gawan ng kasulatan. Kaya malamang, sa morge pa rin ng ospital. Saan napupunta ang mga namamatay pagkatapos sa morge? E di sa punerarya na. 

Yung best friend ko, ako nag-identify sa kanya sa morge ng NBI. I was just 13 years old, at yung bestfriend ko mga 21 na. Nag-suicide. O, saan napupunta ang mga namamatay sa suicide? Impyerno o langit? Sabi nang marami, sa impyerno agad. Sabi ko naman, pwede, pwede! Pero ang tao kasi, pwede pang makapag-sisi ng kasalanan habang mamamatay pa lang. Gaya ng best friend ko. Nagbigti. Pwede kasing habang nakalambitin siya doon at naghihingalo, e natauhan at nagsisi ng kasalanan. Pwede rin namang habang ganun siya, nagawa pa niyang tumanggap sa Panginoon bago nalagutan ng hininga. Di ba?
Pwedeng sa pagkaka-alam natin e sa impyerno ang tungo dahil nag-suicide. Pero the big truth pala ay nakapag-sisi yung tao at tumangga[ sa Lord bago natigok. Kaya baka magulat ka na ang dami mong inaakalang nasa impyerno na, na nasa langit pala, at tapos ikaw pala ang patungong impyerno! Bwahahaha!
The Afterlife Experiments: Breakthrough Scientific Evidence of Life After DeathLife After Death: The Evidence 

Yung best friend ko nga pala, nung nakita ko sa morge, na-shock talaga ako. Na trauma ako nang ilang araw. First time ko makakita ng best friend na nasa morge. Bata pa ako noon! Pero after that, parang wala na lang pag nakakita ako ng patay--kahit na yung tanong na saan napupunta ang mga namamatay. Me good idea nako kung saan.

Yung erpat ko nga binantayan ko pa habang iniimbalsa sa morge. Wala lang. Nilapitan ko pa. Binibihisan ang patay, pinapaliguan, tinatanggalan ng liquid sa katawan, pinapa-pogi. Yung ilang mga patay naka sabit sa taas--nakahiga--nagaantay ng kanilang turns. Pambihira--pati ba sa morge pila? Pero ang totoo, di na importante kung ano itsura nila. Shell lang ang katawan. Ang tunay na "sila" ay nasa ibang lugar.

No comments:

Post a Comment