MALALIM KA PAG TUMITIRA KA NG PURPLE CORN JUICE!

Wednesday, April 7, 2010

Ano Ang Kalikasan?

The Nature of Personal Reality: Specific, Practical Techniques for Solving Everyday Problems and Enriching the Life You Know (Jane Roberts)Ano ang kalikasan? Ba't ba parating bida 'to sa usapan? Bakit, yayaman ba 'ko pag na master ko ang sagot sa tanong na ano ang kalikasan? Alam mo na ngayon, pag di ako kikita d'yan, ano ba 'yan? Istorbor lang. 

Pero saglit lang--para lang maintindihan talaga--seriously, ano ang kalikasan? Ang pirming iniisip ng tao ay yung mga puno, gubat, bundok, at dagat. H'wag daw aabusuhin at dudumihan. Okay, tama, pero 'di 'yan ang tunay na issue sa kung ano ang kalikasan. Kasi, panay 'yun ng 'yun ang pinaguusapan--bundok, dagat, puno--kaya walang ma-target na resulta. Di ba kalikasan ay "nature" sa English? What's nature? Ano ang kalikasan?

Ano Ang Gawi Mo

Kung ano ka--yun ang kalikasan mo. Kung ikaw ay bugnutin, it's your nature to be irritable. Kelangan nating mas makita sa ganito ang "Ano ang kalikasan," kesa mag aksaya ng oras sa kung ano ang bundok, dagat, at puno. Kasi, pag ang kalikasan ng tao ay manira at mang-angkin ng 'di kanya at humameg ng sobra-sobra, ayon! Kawawa ang bundok, dagat, at puno--at madalas ang kawawa mga batang walang malay. Tignan mo 'pag ang kalikasan ng isang tao ay mambabae. 
Tutula-Tula Kalikasan

Sa palagay ko lang, mas dapat asikasuhin ng lahat ang kalikasang taglay natin, kung ano ang masidhi mong pagnanasa--"lust" kung baga. Ang nasasa-loob na nag-papa-apoy ng pagnanasa ang siyang nagpapa-takbo ng ating kalikasan. 'Pag di naagad yan at napa-hinahon, walang kwenta lahat ng usapin tungkol sa bundok, dagat, at puno. Kasi, sa tuwing paguusapan kung ano ang kalikasan, kung anu-ano ang tinatalakay, 'di nadadale ang talagang dapat paguusapan. 


Ano ang kalikasan mo? Banayad ka ba o padalosdalos? Mainitin ba ulo mo o mahinahon ka? 'Pag lahat tayo magisip kung ano ang kalikasan natin, at isa-buhay ang tama at mainam, e di hindi na natin kelangan pang pagusapan ang bundok, dagat, at puno. Mag-negosyo nalang tayo ng tuwid--yayaman pa ako!

No comments:

Post a Comment

Post a Comment