MALALIM KA PAG TUMITIRA KA NG PURPLE CORN JUICE!

Tuesday, November 8, 2011

Proverbs 2: Kanto Version


[1] Nak, bastat totohanin mo lang ang mga sinasabi ko--palalimin mo ba sayo--[2] maging matalas ang tenga mo  at talagang mag-siryoso ka sa pagka-heavygat ke God, [3] mag-call o mag-text ka lang o kaya'y sumigaw ka ng rest back pag kelangan mo ng dunong ni God, [4] pag ang dating sayo nito ay datong o parang pagkakakitaan o kaya'y kayamanan to the max, [5] dun mo na ma-ge-gets kung anu talaga ang takot sa Diyos, at dun mo na talaga makikilala si God. 

[6] Namimigay si Lord niyan (dunong ni God), at yan eh galing pa mismo sa bibig niya--yang dunong mula sa kanya. [7] Siya ang nagpapanalo sa mga going straight, at parang bullet proof vest siya sa mga matitino. [8] Kasi nga, binabantayan niya ang lakad ng mga OKs sa kanya, at tapos, protektado pa niya ang mga gawi ng mga yan. [9] Ngayon, dyan mo ma-ge-gets kung anu talaga ang tama at OK sa mata ni God--yung mga patas at OK na ugali. [10] Kasi, yung dunong ni God ay papasok sa puso mo, at wala nang magiging OK sayo kundi mga patungkol ke God.

[11] Yang dunong ni God na yan ang mismong mag-iingat din sayo, mag-pro-protekta. [12] Yan din ang mag-lalayo sayo sa trouble ng mga pasaway at makukulit--yung mga sinungaling at pala-mura, [13] yung mga dating OK pero mas ginustong mag-wala para maging "in" lang sa kalokohan, [14] yung mga atat gumawa ng mali at masaya sa katarantaduhan, [15] mga baluktot ang buhay at talagang mga walang-hiya.

[16] Ang dunong ni God din ang maglalayo sayo sa malalanding babae, lalo't yung mga malalanding misis na malalandi ang dila, [17] mga nagsawa na sa asawa nila at binaboy na ang kasal nila sa harap ni God. [18] Ang haybols ng misis na yan ay lusot sa impyerno at ang buhay niya malapit sa mga nag-mumulto. [19] Maliligaw lahat nang ma-daan at dumalaw sa kanya at tiyak--yari sila!

[20] Kaya nga, barkadahin mo ang mga matitino, yung mga malalim ke God. [21] Sila yung aasenso ke God habang nasa lupa at sila yung mananatiling ligtas ke God. Yung mga pasaway, yari ke God, yung mga masama ang ugali, parating bibitinin ni God.

Hehe....Deeply...

No comments:

Post a Comment