Pinagmulan
Ayon sa tradisyon, ang purple corn ay unang tinanim ng mga
Incans sa Machu Picchu sa Peru noong ika-15 siglo. And mga lahing Inca ay isa
sa mga pinaka-una at nangungunang sibilisasyon noon at may angking galing sa
makabagong teknolohiya noong mga panahong iyon.
Ang Machu Picchu mismo ay tumatayo sa taas na 7, 970
talampakan mula sa lebel ng dagat at ang mga pananim ng purple corn ay umaabot
mula 10,000 hanggang 15,000 talampakan mula sa lebel ng dagat.
Tinaguriang “Royal Grain” o pang maharlikang butil ang purple
corn dahil sa taglay nitong mga kakaibang nutrisyon. Pansin nilang ang mga
kumakain nito ay lumalakas at lumulusog ng di pangkarinawan. Ang mga 60-anyos ay
nakakaranas ng kasiglahan ng kabataan at ang mga kababaihan ay nanganganak pa
sa idad na 80 pataas. Ang mga tao noon sa bulubunduking Andes ng Cusco o Peru
ay karaniwang nabubuhay ng higit sa 100 taon.
May mga ilang nagsasabi ring ang lakas ng purple corn bilang isang super food ay kilala na noon sa matataas na lupain ng Peru bago pa
sumibol ang sibilisasyon ng mga Inca. Natatanim ito at napapalaki sa organikong
paraan, walang kemikal, kaya mas tumindi ang bagsik ng nutrisyon nito. Ito’y naging
karaniwang pagkain ng mga Peruvian kaya di sila sakitin at di basta-bastang
dinadapuan ng sakit. Hanggang dumating ang panahon at nabago ang ihip ng
hangin.
Dahil nga sa kakaibang dulot na kalusugan nito, minabuti ng pamahaaan
ng Inca na ipagbawal ito sa mga “commoners” o mga pangkarinawang tao, at ang
hari o sapa at ang kanyang pamilya
lamang ang pinahintulutang kumain nito.
Dahil dito, bahagyang dumalang sa sirkulasyon ng karaniwang
pangangalakal ang purple corn, at nung mga taong 1546 hanggang 1618, ayon sa
ibang salaysay ng kasaysayan, tuluyan na itong nabaon sa limot. At sa mga taon
ding yaon, nang naglitawan ang mga mananakop galing Europa dala ang kanilang
mga sakit (smallpox, typhus, influenza, diphtheria, at measles), at dahil sa
mga digmaang sumunod, naubos ang lahing Inca sa Peru. Mabilis nahawa ang mga
Incans sa mga sakit dahil sa mahinang resistansya at kawalan ng purple corn, at
sa tulong ng mga digmaan, tuluyan na silang nabura.
Subalit, naiwan ang mga ligaw na tumubong mga purple corn sa
bulubundukin ng Andes. At may ilang mga tira-tirang butil na rin sa mga bahagi
ng Machu Picchu mismo. At di kalaunan, nadiskubre ito ng mga archeologists na
nagkakalap ng mga artifacts at ipinasa sa mga nutrition scientists na siya
namang namangha sa nilalamang nutrisyon at anitoxidant ng purple corn sa
kanilang mga clinical tests. At ang magandang balitang ito ay kumalat sa
Amerika at sa Canada.
Ano ang Taglay na
Lakas ng Purple Corn?
Ang lakas ng purple corn bilang nakapag-papalakas at
nagpapagaling na pagkain ay nasa bilang ng antioxidants
nito. Ang antioxidant ay isang
molecule na lumalaban sa pangangalawang ng mga cells ng katawan at ng mga
sistema ng katawan gaya ng immune system.
Ang sakit ay may dalawang basikong kadahilanan:
§ Pagtanda. Sadyang humihina
ang katawan at bumabagsak (o nangangalawang
kung baga) sa katandaan. Ito’y nagsisimula sa idad 25.
§ Kakulangan ng sapat na lakas ng immune system. Kapag pangit ang ating cells sa katawan dahil sa kakulangan
ng sapat na nutrisyon, hindi makakalaban ang immune system sa mga sakit.
Ang antioxidant ng purple corn ay:
- 1.
Mabagsik na lumalaban
sa katandaan para bumagal ito.
- 2. Nagpapalakas ng
immune system sa pamamagitan ng pagpapalakas at pangangalaga ng mga body cells.
Naghahati-hati ang cells para dumami. Kapag mahina ang isang
cell, mas mahina ang pakakalating cells nito. Kapag malusog ang cell, mas
lalong malulusog na cells ang pakakalatin nito. Makakatulong ng malaki ang
paginom ng purple corn sa pagpapalakas ng ating body cells.
Anthocyanin
Ang partikular na antioxidant na nagpapatindi sa lakas ng purple
corn ay tinatawag na anthocyanin o cyanidin 3 glucoside o C3G. Ayon sa mga
dalubhasa, ang C3G ang siyang mabagsik na antioxidant na may taglay na
kontra-diabetes, kontra-pamamaga, kontra-obesity, kontra-cancer, at
kontra-sakit sa puso, bukod sa iba pang mga benepisyo.
Iba Pang Mga
Anti-Oxidant
Bukod sa anthocyanin, meron ding ibang antioxidants ang
purple corn, gaya ng flavonoids, phenolics, carotenoids, lutein, at
sulfurorafanes, bukod sa iba pa. Ito’y pawang mga kontra-cancer, kontra-sakit
sa puso, kontra-pananaba, at kontra-pamamaga. At ang flavonoids naman ay
kontra-virus at kontra-bacteria rin.
Ang purple corn ay may matinding Bitamina C at E rin na pawang
mga antioxidants rin at 3 beses ang bisa kesa sa dinudulot ng mga ibang prutas
na mayaman din sa mga gayong Bitamina.
Mga Ilang
Delikadong Sakit na Napapagaling ng Purple Corn
Diabetes: Ang C3G ay mabisa sa paglunas nito. Naiiwasan din
ang pagtaba sa purple corn, at ang pagtaba ay ilan sa mga karaniwang sanhi ng
diabetes.
Pananaba: Nakaka-sunog ng taba o di kaya’y nakaka hugas ng
taba ang purple corn dahi sa anthocyanin at fibers nito.
Cancer: Ang mga dulot na antioxidant ng purple corn ay
mabisang kontra-cancer at nakakapagpigil o tunaw ng mga tumor. Napipigilan din
ang mapanirang oxidation na dulot ng free radicals at carcinogens.
Altapresyon: Tinatanggal ng purple corn ang mga barang taba
sa mga ugat na dinadaluyan ng dugo.
Sakit sa Puso: Tumutunaw ng kolesterol sa dugo na kumakapit
at namumuo sa arterial walls ang purple corn.
Pagtanda: Bumabagal ang pagtanda at nababawasan ang mga
negatibong epekto nito. Napapa-talas din ang pagiisip at memorya dulot ng
anthocyanin at lutein. Dahil dito, pwede rin itong knotra-dementia.
Pamamaga: Ang mga sakit dahil sa pamamamaga—arthritis, gout,
tonsilitis, pharyngitis, meningitis, sinusitis, colon cancer at iba pang
cancer—ay napipigilan ng purple corn.
Kung nais uminom o magnegosyo ng purple corn juice sa Pilipinas, mangyari pong mag-email dito: trenzpurplenetworx@gmail.com.