MALALIM KA PAG TUMITIRA KA NG PURPLE CORN JUICE!

Tuesday, November 8, 2011

Ang Galing Niyang Mag-Yosi

Ang galing niyang mag-yosi---grabe! Pag-gising sa umaga--pupungas-pungas pa--me subo ng yosi sa bunganga at nag-papausok na. Pati nga mga anak niya pinapausukan--parang texas sa tupada. At hwag ka, mamumulot lang ng basura yan, naka-yosi pa. Yung iba mga me trabaho nga--maliliit naman ang sweldo, pero nag-yo-yosi pa rin para maka-porma lang.


Yung mga mayayaman? Oo, marami sa kanila nag-yoyosi rin, para daw mas heavygat ang dating. Ewan ko sa mga engot na yan...mga walang isip talaga! Karamihan ng tao, ke nagaaral o hindi, MGA ENGOT! Di nagiisip. Mamya, makikita mo ang mga yan, mukhang kawawa, naka-lugmok sa ospital o sa sulok ng bahay nila, me kanser, stage 7 0 100, naghihintay matigok.

Yung iba nga e--yung mga sikat--gaya ng mga artista, mag yoyosi at magda-drugs pa, tapos pag nagka-sakit na, akala mo magagaling na tao. Mangangaral yan, pangangaralan yung mga matitino. Tapos, yung mga engot na tao, lalo pa nilang hahangaan yan. Lalong i-idolohin. Kaya di tayo umaasenso e. Di natin alam ang tama sa mali. MGA KULANGOT!

Nag-mumura ako? Hindi, nagsasabi lang ako ng totoo. Ang mga hangal na tulad ng nasabi ko sa taas ay mga kulangot. Ang kulangot binibilog tapos pipitikin pa-tapon. Sa bible nga, sabi ni Hesus sa mga hindi nagiisip, "Mga hangal!" Yung isang bible nga ang translation; "Mga tanga!" Nag-mura ba si Hesus? De-hins tyong. Nagsabi lang siya ng totoo. 

Syempre, iba din yung totoong nag-mumura. Anyway....

Yung ibang tao, sisirain ang katawan nila masabi lang ng ibang tao, "Uy! Ang galing niyang mag-yosi!" Kung ikaw to, engot ka. Magising ka na sa katotohanan.

O, malaliman yan!

No comments:

Post a Comment